Simulan natin ilang araw bago mag-board exam. Masaya ako. Naramdaman ko kasi na nabibigyang-halaga ako. Maraming text messages (adikan kahit maubos sulitxt pati regular load), maraming usap sa telepono (kahit ako yung tumatawag), maraming usap sa YM (kahit kadalasan nonsense). Lahat yon kahit hindi nagkikita.
Pagkatapos ng board, mas masaya lalo na't pumasa. Walang humpay na pagtetext ng kung anu-ano makapagtext lang. Masaya. Sa YM, biruan, kulitan, kwentuhan. Masaya.
Nung Friday, muntik nang masira ang araw ko, salamat sa napakagaling kong kaibigan. Pero sabi ko nga, muntik lang. Gumanda rin naman ang araw ko. Nakita ko kasi si Marix ulit after a long time na hindi nagkikita. Masaya.
Nung Sabado, ganun pa rin, masaya. Text-text, tanungan, kwentuhan ng konti. Masaya. Pagdating ng hapon, wala na. Nung gabi, asa pa. Naalala ko, hindi nga pala nasagot yung tanong ko.
Kinabukasan, naghintay akong masagot yung tanong ko. Asa pa. Nagsimba ako ng masama ang loob. Naisip ko, may telepono naman, may YM, sana sinasagot yung tanong ko. Posible naman kahit walang load. Sinabi ko yun. "Nyek" daw.
Naramdaman ko ulit yung naramdaman ko dati -- malungkot, balewala. Hindi ko akalaing mararamdaman ko ulit yun pagkatapos lang ng ilang araw. Biglang down lang.
Ano ba yun? Diba kung may tanong yung tao tapos wala kang load at least dapat maghanap ka ng ibang paraan para makontak siya? Common courtesy ang tawag dun. Common, meaning lahat ng tao alam yun, kahit squatter pa yan o walang pinag-aralan.
Okay, umiinit na naman ulo ko. *breathe*
Ang hirap pala pag biglang shift ng pakiramdam from one extreme to the other. Buti na lang wala akong sakit sa puso. Buti na lang hindi ako hinika.
Ngayon, bad trip ako. Tumatawa ako oo, pero walang makapagpasaya saken. Alam ko wala akong karapatan magreklamo sa tingin ng iba dahil kung ikukumpara nga naman e napakababaw ng problema ko. Pasensya na lang, blog ko toh e.